Reporter's Notebook brings yet another documnetary worthy of watching as part of their 7th Year Anniversary entitled "Pilipinas For Sale."
Sa Luzon, tutuklasin ang sinasabing nagaganap na bentahan ng ilang isla sa pamosong El Nido sa Palawan.Tulad na lang ng Turtle Island, kilalang breeding ground ng mga pawikan. Ang walong ektaryang isla, ngayo'y ibinebenta sa halagang P12 million.
Sa Visayas, may ganito ring nagaganap na kalakalan sa Bohol. Gamit ang tax declaration, ibinebenta rin ang ilang islang idineklara bilang protected area. Sa Cebu naman, natuklasang ginagamit ito bilang isa sa transhipment points upang ipuslit palabas ng bansa ang black corals.
Sa Mindanao, hahanapin sa kauna-unahang pagkakataon ang umano'y pinagmulan ng tone-toneladang black corals na nasabat sa mga pier ilang buwan na ang nakararaan. Sisiyasatin din ang isyu ng pagmimina sa CARAGA, ang tinaguriang mining capital sa bansa.
Samahan sina Jiggy Manicad at Maki Pulido sa Pilipinas for Sale?: Reporter's Notebook 7th Anniversary Special, ngayong Martes na, pagkatapos ng Saksi sa GMA 7!
Reporter's Notebook: Pilipinas for Sale airs on October 4, 2011 after Saksi.
Mga likas na yaman na dapat ay protektado, ginawang mistulang produkto para maging pribadong pag-aari ng bibili nito. Pero sino ang nagbigay ng permiso para ang Perlas ng Silanganan pagkakitaan ng kung sinu-sino?
source:gmanetwork
Here's an embed only from Youtube replay of "Pilipinas for Sale"

Comments
Post a Comment