His Excellency Benigno S. Aquino III President of the Philippines speech at the arrival ceremony of the BRP Ramon Alcaraz.
Ramon Alcaraz was born on August 31, 1915. He was a graduate of the Philippine Military Academy Class of 1940 (the pioneer class of the PMA) After graduation Alcaraz joined the OffShore patrol (OSP) of the Philippine Army (the OSP is the fore runner of today’s Philippine Navy) and became the Captain of the Q-112 Abra, one of the three motor torpedo boats of the Philippine Army. He saw action during World War II under the direct command of Field Marshal MacArthur: among his missions were the scuttling and sinking of fifteen ships in the Pasig River to prevent their capture by the enemy, and his most famous exploit, when the Q-112 shot down three low-flying Japanese planes off Bataan in January 17, 1942. As a result of this action, the Japanese planes were unable to bomb their shore objectives. Field Marshall Douglas MacArthur personally decorated him with the Silver Star for his heroism.
[Delivered at Subic Bay Freeport, Olongapo City on August 6, 2013]
Secretary Albert del Rosario, His Excellency Ambassador Harry Thomas, Secretary Voltaire Gazmin, General Emmanuel Bautista, Vice Admiral Jose Luis Alano, Lieutenant General Lauro Catalino dela Cruz, Lieutenant General Noel Coballes, Rear Admiral Orwen Cortez, Commandant Isorena of the Philippine Coast Guard, Chairman Roberto Garcia and other members of the SBMA Board, Governor Ebdane, Governor Garcia, Representative Cheryl Deloso-Montalla, Representative Mina Roman, other local government officials present, Captain Ernesto Baldovino, Officers, men and women of BRP Ramon Alcaraz, Officers, men, and women of the AFP, honored guests, mga minamahal ko pong kababayan.
Magandang umaga po sa inyong lahat.
Ngayong araw, sinasalubong at binibigyang-pugay natin ang Hukbong Dagat na matagumpay na naglayag mula sa Estados Unidos, upang maihatid sa ating sariling pampang ang ikalawang Hamilton Class Cutter ng Pilipinas—ang BRP Ramon Alcaraz. Nagpapasalamat tayo sa mga tauhan at opisyal ng barkong ito, sa pangunguna ni Captain Ernesto Baldovino na nagtimon sa maayos at mapayapang paglalakbay ng ating pinakabago’t modernong barko. Sa pagdating ng BRP Alcaraz sa ating bansa, pinapatunayan natin ang hangarin nating magkaroon ng sandatahang tunay na may kakayahang ipagtanggol ang sambayanan.
Kaya naman ang hamon ko sa buong Hukbong Dagat at sa mga kawal na sasampa sa barkong ito: Isabuhay ninyo ang katapangan at pananagutan ng mga Pilipinong hindi nag-atubiling mag-alay ng dugo’t pawis para sa kapakanan ng kanilang kapwa at bandila. Isipin na lamang ninyo ang katapangang ipinamalas ni Commodore Ramon Alcaraz noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig: siyam na zero fighters ng Hapon, laban sa nag-iisang Q-boat na yari sa kahoy, pero nakapagpabagsak pa si Commodore Alcaraz ng tatlo sa siyam na ito at matagumpay na naibalik ang kaniyang Q-boat. Ibig sabihin: dehado sa gamit, dehado sa sitwasyon, dehado sa kasanayan, pero hindi siya nagpatinag sa kalaban. Nagawang daigin ni Commodore Alcaraz ang tila napaka-imposibleng sitwasyon dahil mulat siyang walang ibang magtatanggol sa ating bansa kundi tayo rin lang. At ngayon, ang kanyang pangalan ay hindi na lamang mga letrang nakaukit sa Dambana ng Kagitingan o nakapinta sa pisngi ng ating pinakabagong barko; higit sa lahat, habambuhay na itong nakaukit sa puso’t isipan ng bawat Pilipino.
Balita ko’t hitik din sa kasaysayan at simbolismo ang dinaanang mga lugar ng ating bagong barko: Sa Pearl Harbor kung saan nagbalik-tanaw kayo sa mga Pilipinong nagpamalas ng giting at paninindigan sa pagtatanggol ng bansa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig; at sa Guam kung saan minsang ipinatapon ang gaya ni Apolinario Mabini na nakipaglaban para sa ating kasarinlan. Sumasalamin ito, hindi lamang sa pagpapahalaga natin sa mga aral ng ating nakaraan, kundi pati na rin sa kahandaan ng ating Hukbong Dagat na tuparin ang kanilang mandato: ang paglingkuran ang ating bandila, bantayan ang ating soberanya, at pangalagaan ang kapakanan ng ating mga kababayan.
At hindi nga po maikakailang napakalaki ng naiambag ng BRP Gregorio del Pilar—ang ating unang Hamilton Class Cutter—upang mas mahusay na magampanan ng Hukbong Dagat ang kanilang tungkulin. Sa tulong nito, naging mas pangmatagalan, mas malawak, at mas mabilis ang pagtatanod sa ating mga baybayin. At ngayong narito na rin ang BRP Alcaraz, tiyak na lalo pang mapapaigting ang pagpapatrolya natin sa Philippine Exclusive Economic Zone; at ang kakayahan nating sugpuin ang anumang banta at masasamang elemento, tumugon sa search and rescue operations, at sa pangangalaga ng ating mga yamang-dagat.
Ganitong mga positibong resulta ang nagbibigay-lakas sa ating pamahalaan upang lalo pang isulong ang modernisasyon sa ating kasundaluhan. Binubura na po natin ang dating imahen ng kulang-kulang na kagamitan at pahirapang kalagayan ng ating mga kawal ng bayan. Sa loob ng tatlong taon nating panunungkulan, umabot na sa 27.62 billion pesos ang ating ginugol para sa AFP Modernization Program. Hinigitan na natin ang 26.27 billion pesos na ginastos para sa inyong modernisasyon sa nakalipas na mahigit siyam na taon bago tayo maupo sa katungkulan. Noong nakaraang taon, nilagdaan na rin natin ang Revised AFP Modernization Act, na nagpatibay sa labinlimang taong ekstensiyon ng programa, kaakibat ang paglalaan ng pitumpu’t limang bilyong pisong pondo sa unang limang taon ng implementasyon nito.
Hindi naman rito natatapos ang ating pagkalinga sa mga kawal ng bayan. Nariyan din po ang patuloy na pagkakaloob ng disente at abot-kayang pabahay, pati na rin ang paglulunsad ng mga programang pangkabuhayan para sa ating kasundaluhan. Kompiyansa tayong sa pagtugon sa mga pangangailangan, at pagtutok sa kapakanan ng ating mga kawal, lalo natin silang nabibigyang-lakas upang itaguyod ang seguridad ng bansa, at mauna sa pagsusulong ng pangmatagalang kapayapaan.
Gaya ng lagi, matuwid na paggastos ng pondo ang ipinapairal natin, tinitiyak natin ang salaping para sa ating mga sundalo ay napupunta sa makabuluhang serbisyo at benepisyo. Patuloy nating patitibayin ang puwersa ng ating mga unipormadong hanay, kasabay ng pagpapalakas at pagtutok sa kapakanan ng mga mas nangangailangan. Makakaasa kayo sa bawat pagsubok at laban na kailangang lampasan; nasa panig ninyo ang ating pamahalaan, handang kumalinga at umalalay.
Malinaw po: Posible lamang ang ganap na kaunlaran kung may tunay na kaayusan at kapayapaan sa ating bayan. Narating po natin ang yugtong ito ng ating kasaysayan dahil sa mga kawal na handang ialay ang buhay para sa kapakanan ng ating bansa. Naging posible ang pagbabagong tinatamasa natin ngayon dahil sa mga Pilipinong nagmamalasakit sa kapwa Pilipino. Ipagpatuloy lang natin ang paglalayag sa iisang direksyon, patungo sa isang payapa at masaganang kinabukasan.
Sa katapusan po, nagpapasalamat rin tayo sa ating mga kaalyado, galing sa Estados Unidos, na walang tigil po sa pagtutulong sa atin sa mahabang kasaysayan.
Magandang araw po, maraming salamat sa inyong lahat.

Comments
Post a Comment