Manny Pacquiao on "MP Featuring Sport Science"

This Sunday, on the fourth episode of GMA Network's bi-monthly Sunday sportsprogram "MP Featuring Sport Science" hosted by Pinoy-world boxing champ Manny "Pacman" Pacquiao and Solenn Heussaff, humanda sa madudugong karanasan ng ating mga atleta.

Makatakas kaya ang isang hinete mula sa tiyak na kamatayan nang masagasaan ng rumaragasang kabayo? Makatutulong kaya sa kanya ang bagong protective vest?


Usapang Head Injury

Ano ang mas delikado, ang matamaan sa ulo ng bolang inihagis o bola na tinamaan ng baseball bat? Susukatin ng Sport Science kung anong bola ang mas mabilis at makadudulot ng mas malalang injury.

Z Gorres After the Head Injury

Kamustahin ang kalagayan ng Filipino boxer Z Gorres matapos ang natamong head injury. Nalagay sa peligro ang buhay ni Z nang magkaroon ng blood clot ang ulo matapos matumba at tumama ito sa tali ng ring. Matapos madeklarang panalo sa laban, nawalang ng malay si Z at agad na isinugod sa ospital. Doon dumaan siya sa ilang operasyon para tanggalin and namuong dugo. Ngayon, balik gym na ulit si Z para hindi muling magsanay sa boxing kundi para sa kanyang therapy at nang tuluyang gumaling.

Allan Caidic Tells Top 3 Worst Basketball Injuries

Ang basketball star na si Allan Caidic, magku-kwento tungkol sa kanyang masakit na karanasan sa hardcourt. At alamin din and nasa listahan niya ng Top 3 Worst Injuries sa professional basketball dito sa Pilipinas.

Injuries Overload

Ang peligrong hatid ng matutulis na blade ng ice skates, pasasadahan. Mabuhay ka pa kaya kung malagot ang isang ugat sa leeg mo?

Ang UAAP Cheerdance Champ, N.U. Pep Squad, hindi rin nakatakas mula sa mga injury! Ikukwento nila ang mga karanasan sa training na siyang mas lalong nagpatibay ng kanilang katawan at loob.

Alamin ang mga dapat gawin sakaling may mangyaring 'di inaasahan sa court o field. Sa tulong ng isang espesyalista sa sports medicine, magbibigay ng tips ang MP Featuring Sports Science kung paano mapabilis na maka-recover sa injury.

Nararamdaman nga ba ng mga manonood ang sakit na nararanasan ng mga pinanood na atleta? Iimbestigahan ng Sport Science ang siyensya sa likod ng awa o empathy. Sasailalim sa empathy test ang ilan sa mga pinakasikat na atleta sa mundo.

At ang sikreto ni Manny Pacquiao sa mabilis na recovery mula sa injury, kanya mismong ilalantad.

Abangan ang lahat ng 'yan sa MP Featuring Sport Science ngayong linggo, October 19, 10:30 ng gabi sa SNBO.

Comments