From Three to Thirteen Radars at Philippine Air Space

ANO NA BA ANG LATEST?

NOON, ang Pilipinas ay mayroon lamang tatlong (3) radar na nangangasiwa sa air traffic ng buong bansa. Dahil tatlo lamang ito, nakakayanang lamang nitong i-cover ang 30% ng Philippine air space.

NGAYON, sa pamamagitan ng Communications, Navigation, Surveillance/Air Traffic Management (CNS/ATM) system, ang Pilipinas ay mayroon ng labing-tatlong (13) radar at isang satellite radar na nakakasakop sa 100% ng Philippine air space.



Ang CNS/ATM ay pinasinayaan noong Enero 2018, sa pangunguna ni Pangulong Duterte at DOTr Sec. Tugade. Ito ay siya na ngayong ginagamit ng Civil Aviations Authority of the Philippines (CAAP) upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga pasaherong bumabyahe sa himpapawid.

Nakatutulong rin ang CNS/ATM upang maiwasan ang mga flight delays at magamit ng husto ang kapasidad ng mga paliparan sa buong bansa.

Comments