Learn the PHILHEALTH Benefits to OFW's

Philippine Health Insurance Corporation para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW)

Steps:
1. Punan ang Philhealth Member Registration Form
Download here: www.philhealth.gov.ph/downloads/membersh­ip/pmrf_revised.pdf
(Send Filled up download form to owp@philhealth.gov.ph)
Electronic Application: https://eregister.philhealth.gov.ph/


2. Mga pwedeng ideklarang dependents:
• Legal na asawa na hingi Philhealth member
• Anak na mababa sa 21 taon ang edad, walang trabaho at walang asawa
• Anak na 21 taon ang edad at higit pa ngunit may kapansanan
• Anak-anakan (foster child) ayon sa Foster Child Care Act of 2012
• Magulang na 60 taong gulang o higit pa na hindi PhilHealth Member
• Magulang na may pemanenteng kapansanan

3. Magbayad ng kontribusyon sa alin man sa mga sumusunod
• PhilHealth Office
• PhilHealth Operations Center sa POEA

4. Maari ring magenroll sa accredited collecting agents abroad: Ventaja at iRemit

5. Ikaw ay makakatanggap ng Health Insurance ID Card (PhilHealth ID) at Member Data Record (MDR)

6. Magbayad ng kontribusyon

7. Siguraduhing laging bayad ang kontribusyon para hindi maantala ang paggamit ng benepisyo

8. Kung nasa aborad maaring magbayad sa mga sumusunod na PhilHealth-Accredited Collecting Agents

9. Ang mga sumusunod at may tie-ups aborad kung saan pwedeng magbayad:
• Development Bank of the Philippines (DBP)
• Philippine Veterans Bank
• Landbank of the Philippines
• iRemit Inc.
• Ventaja International Corp
• Bank of Commerce
• Asia United Bank
* Kung walang accredited agency sa bansang kinaroroonan, maaring ang pinakamalapit na pamilya ang magbayad sa alin mang PhilHealth Office.

Simula Enero 2014...
• Ang halaga ng kontribusyon na babayaran: PhP 2,400/taon
• Magbayad ng advance para sa 2 taon o ayon sa bilang ng taon na nasa kontrata subalit hindi dapat humigit sa 5 taon.

MGA BENEPISYO PARA SA INYO AT SA MGA DEPENDENTS:
1. All case rates: May benepisyong may nakatalagang halaga o "fixed rates"
2. Z Benefits: Benepisyo para sa mga malubhang sakit na nangangailangan ng mahal at mahabang proseso ng pagpapagamot na makukuha sa piling contracted hospitals
3. Outpatient benefits na maaring makait sa mga health center at RHUs

PAANO ANG PAG-AVAIL?
Ipasa ang mga sumusunod sa Billing Section para ma-avail ang mga benepisyo:
1. PhilHealth Claim Form 1
2. Member Data Record
3. PhilHealth Official Receipt

Sakali namang maospital sa ibang bansa, huwag mag-alala, ire-reimburse pa rin ng PhilHealth ang inyong gastusin.
Kung maconfine aborad, ipasa lamang ang mga sumusunod sa alinmang PhilHealth office sa Pilipinas sa loob ng 180 araw pagka-discharge:
1. Medical Certificate
2. PhilHealth Claim Form 1
3. Official Receipt
4. Member Data Record

PAALALA:
Kung retirado at nakapagbayad na ng 120 buwang kontribusyon at higit pa, sila at dapat ng maregistro bilang Lifetime Member. Hindi kailangang maghulog ng kontribusyon sa PhilHealth.

Overseas Filipino Program (OFP)
Overseas Operations Centre
owp@philhealth.gov.ph
(+63917)5129149 ; 441-7444 ext. 7416
ACTION CENTER: 441-7442
www.philhealth.gov.ph
Facebook: http://facebook.com/PhilHealth
Twitter: http://twitter.com/teamphilhealth
Email: actioncenter@philhealth.gov.ph

Comments