NOONG dumating ang bagong administrasyon, pitong flights lamang ang meron sa Clark International Airport kada linggo. Sayang, dahil isa ang Clark airport sa pinakamalaking airport complex sa Asya, ngunit nilalangaw dahil kakaunti ang flights at pasahero.
Ang pinakamataas na bilang ng pasaherong naserbisyuhn ng paliparan ay 1.3 milyon na naitala pa noong taong 2012. Ngunit, matapos ang ilang taon, nabawasan ito ng nabawasan hanggang sa magdesisyon ang ilang airlines na umalis muli.
Nang dumating ang administrasyong Duterte, nabigyan ng buhay ang operasyon ng Clark International Airport.
NGAYON, nasa halos dalawang daang (200) international at domestic flights kada linggo ang lumililipad galing sa Clark. Kabilang na dyan ang Philippine Airlines na nag-launch ng flights sa Clark sa unang pagkakataon. Naitalang umabot sa higit 1.5 milyong pasahero ang naserbisyuhan ng Clark airport nitong 2017– mas mataas pa sa pinakamataas na record na naitala nito noong 2012.
Tinagurian ang Clark airport na "Airport of the North" at siya ring naging sagot upang unti-unting ma-decongest ang NAIA. Nagsimula na rin ang pagpapatayo ng isang world-class passenger terminal sa Clark International Airport nitong December 21, 2017 at tinatayang nasa walong (8) milyong pasahero ang kaya nitong serbisyuhan kada taon.

Comments
Post a Comment