Philippines Air Traffic and Communication- Then and Now

ANO NA BA ANG LATEST?

NOON, mano-mano ang pagmo-monitor sa air traffic sa bansa dahil na rin sa kakulangan ng mga kagamitan, pasilidad at teknolohiya.

NGAYON, sa pamamagitan ng makabago at automated air traffic, communication and surveillance system, agaran nang malalaman ang detalye (eksaktong lokasyon, altitudes at velocities) ng mga aircrafts sa pamamagitan ng automated broadcasting. Sa makabagong sistemang ito, mayroon ng computer-aided safety measures para sa air traffic control upang maiwasan din ang controller/pilot workloads and human errors na siyang sanhi ng mga aberya.



Layunin natin na mas mapaganda ang serbisyo sa halos 40 airports, air navigation at air traffic control facilities sa buong bansa. Kabilang sa mga pasilidad na ito ang Philippine Air Traffic Management Center (ATMC) at sampung (10) bagong radar facilities sa Laoag, Aparri, NAIA, Bacolod, Kalibo, Mactan, Mt. Majic-Cebu, Palawan, Davao and Zamboanga. Ang

mga pagbabagong ito ay makatutulong upang mas matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga air passengers.

Comments