Jaydee Lucero one of Eat Bulaga's scholar top the November 2018 Civil Engineering Board Exam. Jaydee who graduated from University of the Philippines wrote a lengthy message on his facebook page and thanks Eat Bulaga for the scholarship.
This is the best advanced birthday gift na natanggap ko! Worth it ang ilang buwang pagbabasa ng maraming review books, at pagsosolve ng 50-200 problems araw-araw. Ngunit lahat ng ito, hindi ko mararating kung hindi dahil sa inyong lahat. Kaya lubos akong nagpapasalamat sa inyo!
Sa Eat Bulaga, sa pagpapaaral ninyo sa akin (at sa aming mga EBEST scholars) for the past 9 years. Hindi ko marahil mararating ang tagumpay na ito kung hindi dahil sa inyo, thank you po!
Sa PHINMA, Phinma National Scholarship (PNS) Program at sa Big Brother (mentor) ko na si sir Ricky. I really learned a lot from my experiences here, from activities to seminars to leadership conferences. You made me (us) realize my true potential, and you made me (us) well-prepared for serving the country, bringing with us the core values of integrity, professionalism, patriotism and competence. Maraming salamat po!
Sa UP Diliman, especially sa Institute of Civil Engineering (at sa thesis adviser kong si sir Hernandez) for bringing out the best in us, at sa suporta. Maraming salamat din po!
(Sir, promise magpaparamdam na po ulit ako sa inyo, saka aasikasuhin ko na po ulit yung research ko/natin.)
Sa Review Innovations, kung saan ako nagreview for about 6 months. Grabe the best po talaga yung mga instructors ninyo! Yung mga subjects sa college na pinakahirap ako, nagustuhan ko agad nung tinuro na sa RI. Ang challenging po nung mga problems ninyo nung preboards, pero na-enjoy ko po siya, kaya with your help, nakapagprepare talaga ako nang todo for boards. Thank you po!
Sa Camarin High School, Camarin D Elementary School at Wisdom Kindergarten Haus, at sa lahat ng mga teachers ko na humubog sa akin through the years, salamat po!
Sa mga friends/classmates ko sa review, especially from UP Diliman saka UP Los Banos, saka sa mga friends ko sa UP, especially from Aggre and ACES, congrats sa atin! Sana ma-meet ko ulit kayo kahit may work na tayong lahat.
Sa mga kapwa ko quizzers (lalo na sina Daniel James, Jun Arro, Ronelio, Vincent, Wilmar, Rob, Isaiah, John Ryan, Hisham, Reyman, etc. nako idol ko talaga mga yan, enjoy talaga ang contest pag sila mga kalaban). Sa mga teammates ko din sa mga competitions, saka sa mga contest organizers na naging friends ko na rin. Mamimiss ko sumali sa mga contests, pero from time to time siguro makakanood pa rin ako.
Sa Facebook groups Math Enthusiasts Quiz Group at Civil Engineering Board Exam Problems (Philippines). These two groups have helped me much during college and review, and I’m very grateful that I’ve helped and motivated others through these groups. I’ll continue to do so in the future.
At sa lahat ng mga taong nagbibigay ng support at motivation sa akin (hindi ko na kayo mamemention lahat kasi marami kayo), maraming maraming salamat po!
Sa mga nagpahiram sakin ng fx-570ES saka fx-350ES calcu before boards ko (sir Reyman at sir Galvez Christian). Sa mga nagbigay at binilhan ko ng mga review books (Dhan, Grace, Joshua, Krisel). Maraming salamat!
Kay Krisel, you are one of my best sources of inspiration. You have really helped me a lot during the review; pinoint out mo sakin yung mga common pitfalls during boards, nagsesend ka ng additional review materials, at iba pang tips, at sa surveying and transpo book ni sir Juncelna bigay mo for me. Higit sa lahat, all-out ang support at motivation mo sa akin in chat and in person, kaya pumped up talaga ako hanggang boards. Maraming salamat!
Kay ate Prescilla Niere Lucero, at lalo na kay mama Raldina Niere Lucero. Pursigido talaga si mama na makapasa (at makapasok sa top) sa board exam. Sa bahay, prohibited ako mag-Facebook during review, minsan pinagagalitan niya ako pag nanonood lang kami ni ate ng anime imbes na nagrereview. Pero because of that, natuto akong maging focused if I want to achieve something great, and it worked. Si ate naman, shinare niya sakin yung mga experiences niya during review and boards, saka some tips. Families really are the best!
Kay papa Alberto Lucero na nasa Heaven at laging nandyan para sa amin, lahat ng tagumpay kong ito ay dedicated din para sayo.
At sa Panginoong walang sawang gumagabay sa aming lahat, maraming salamat!
Mabuhay ang mga bagong civil engineers ng bayan. Let us serve the country and the people!
_______________________________
ENGR. JAYDEE NIERE LUCERO
University of the Philippines Diliman
Comments
Post a Comment