𝐍𝐀𝐆𝐒𝐈𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐍𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐇𝐔𝐇𝐔𝐊𝐀𝐘 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐓𝐔𝐍𝐍𝐄𝐋 𝐁𝐎𝐑𝐈𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐂𝐇𝐈𝐍𝐄 𝐍𝐆 𝐌𝐄𝐓𝐑𝐎 𝐌𝐀𝐍𝐈𝐋𝐀 𝐒𝐔𝐁𝐖𝐀𝐘 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓!
Sinimulan ngayong araw (Enero 9, 2023) ang pagbubutas sa dadaanan ng kauna-unahang subway ng bansa, ang Metro
Manila Subway Project (MMSP).
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasama si DOTr Secretary Jaime Bautista, ang pagpapaandar ng unang Tunnel Boring Machine (TBM) na gagamitin sa paghuhukay ng subway tunnel simula sa Valenzuela City.
Saklaw ng Contract Package (CP) 101 ng proyekto ang konstruksyon ng tatlong (3) underground stations sa Quezon City at additional semi-underground station sa northern-most part ng Valenzuela City depot.
Ayon kay Secretary Bautista, higit na makatutulong ang Subway Project na ito sa ating mga komyuter, dahil aabutin na lamang ng 35 minuto ang biyahe sa pagitan ng Valenzuela at NAIA mula sa dating isang (1) oras at sampung minuto. Maliban dito, tinatayang nasa 519,000 pasahero kada araw ang kaya nitong maserbisyuhan.
"Today’s start of tunneling work signifies the point of no return. We are going full speed ahead to complete the country’s first subway," ani Secretary Bautista.
Kasabay nito ang taos-pusong pasasalamat ni DOTr Secretary Bautista sa Japanese government at JICA International Agency Cooperation (JICA) na naging katuwang ng gobyerno sa pagpapasakatuparan ng makasaysayang proyekto ng bansa.
"Let me reiterate my gratitude to our financial partner—the Japan International Cooperation Agency or JICA. Your faith in this project inspires us to work harder…to work smarter," pahayag ni DOTr Secretary Bautista.
Buo rin ang tiwala ng Pangulo na maipagpapatuloy ang magandang proyektong tulad nito sa ilalim ng kaniyang administrasyon.
"The launching of this tunnel boring machine become a testament to this administration's commitment, continue the project of the previous administration, and more importantly, to build better more," ayon kay President Marcos Jr.
Kasama sa nakibahagi sa programa sina Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa, JICA Chief Rep Takema Sakamoto, Senator Mark Villar, Senator Win Gatchalian, Senator JV Ejercito, City Mayor of Valenzuela Congressman Rex Gatchalian, City Mayor of Valenzuela Wes Gatchalian, at ilang opisyal ng DOTr na sina Undersecretary for Railways Cesar Chavez, Assistant Secretary Jorjette Aquino,at representatives mula sa public and private sector.
#DOTrPH 🇵🇭🇭️ #RailwaySectorWorks #MMSP
Comments
Post a Comment