The Only "Boring" that is exciting-TBM of Metro Manila Subway

 I'm sure everyone is excited about the development of the first ever subway in the Country, the Metro Manila Subway.

𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍𝐆 ‘𝐁𝐎𝐑𝐈𝐍𝐆’ 𝐍𝐀 ‘𝐄𝐗𝐂𝐈𝐓𝐈𝐍𝐆’? ‘𝐘𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐔𝐍𝐍𝐄𝐋 𝐁𝐎𝐑𝐈𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐂𝐇𝐈𝐍𝐄 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐔𝐍𝐀-𝐔𝐍𝐀𝐇𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐔𝐁𝐖𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐍𝐒𝐀!

Tunay na EXCITING—dahil sinimulan na ang pagbubutas para sa Metro Manila Subway Project (MMSP) na konektado mula Valenzuela hanggang NAIA Airport.

Pinangunahan mismo nina President Ferdinand R. Marcos Jr., at Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista ang paunang tunneling works ng Tunnel Boring Machine (TBMs) sa Valenzuela station kahapon, ika-09 ng Enero 2023.

Alam n’yo ba? Ang mga TBMs ay isa sa mga mahalagang components sa konstruksyon ng subway, dahil ito ang gagamitin para sa mas mabilis, mas efficient, at mas ligtas na paghuhukay sa lupa at paglatag ng mga tunnels.

May kakayahan din ang mga ito na mag-excavate sa pamamagitan ng iba’t-ibang uri ng ground conditions, mula sa matitigas na bato hanggang sa buhangin.

Sakop ng Contract Package 101 (CP101) ang paunang paghuhukay sa unang tatlong (3) underground stations sa Quirino Highway, Tandang Sora, at North Avenue, at isang semi-underground Station sa Valenzuela depot. Kasabay din nito ang pagtatayo ng state-of-the-art at modern Philippine Railway Institute (PRI) — ang kauna-unahang railways training institute na magsisilbing planning, implementing, at regulatory agency para sa human resources development, at research and training center sa ating railway sector.

Oras na matapos ang MMSP, aabutin na lang sa 35 minutes, mula sa dating isang (1) oras at 10 minuto, ang biyahe mula Valenzuela City hanggang NAIA. Maliban dito, tinatayang nasa 519,000 pasahero kada araw ang kaya nitong maserbisyuhan.

Asahan ang mas mabilis at mas maayos na connectivity at mobility sa bansa na makalilikha ng mas maraming trabaho na makatutulong sa lalong pag-usbong ng ating ekonomiya.

SUBWAY IS REAL, SUBWAY IS HERE!

[Photo credits: Shimizu-Fujita-Takenaka-EEI JV]

#DOTrPH🇵🇭 #MMSP #RailwaySectorWorks


TBM of Metro Manila Subway
TBM of Metro Manila Subway

TBM of Metro Manila Subway

TBM of Metro Manila Subway

TBM of Metro Manila Subway

TBM of Metro Manila Subway

TBM of Metro Manila Subway

TBM of Metro Manila Subway



Comments