Online Scammers are always finding their way to launch new modus scam.
Ano nga ba ang “ONE RING” PHONE SCAM? Ang “One ring” phone scam ay karaniwang ginigawa ng mga scammer sa pamamagitan ng isang autodialer upang gumawa ng mass-calls sa isang malaking bilang ng mga phone numbers.
Ang telepono ng mga biktima ay magri-ring lamang ng isang beses, at idi-disconnect na ng scammer ang tawag, na maaaring mag-udyok sa kanila na tawagan muli ang numero.
Habang sa ilang kaso naman, ang biktima ay maaaring makatanggap ng mensahe mula sa isang scammer na nagpapanggap na isang kinatawan ng isang legitimate organization, tulad ng isang bangko o ahensya ng gobyerno.
Huwag sasagutin ang mga tawag mula sa mga hindi kilalang numero, kung ikaw ay makakatanggap naman ng isang mensahe suriin muna ito ng maiigi, at basahin lamang ang mga detalye na nakalagay sa larawan upang mas malaman pa ang mga dapat gawin kung ikaw ay mahaharap sa ganitong sitwasyon.
Keep safe po sa lahat!
#BulacanUpdate
Comments
Post a Comment