TRAMO BUSYWAY STATION NOW OPEN

Pinangunahan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista ang pagbubukas sa bagong EDSA Busway Station--- ang Tramo Busway Station sa Pasay City, noong, ika-28 ng Disyembre 2022.

 "Ako po ay nagpapasalamat sa ating supporters--- sa MMDA, i-ACT, LTFRB, at nagpapasalamat po ako sa mga operators ng buses, dahil sila po ang talagang magsu-support sa ating operations para mabigyan natin ng convenient, affordable, accessible, and safe travel experience ang ating mga riders dito sa EDSA", ayon kay Secretary Bautista. 

Sinabi din ni Secretary Bautista na makakatulong ang bagong istasyon na ito upang mas mapadali ang pagsakay at pagbaba ng mga pasahero na malapit sa Tramo Busway Station.
 
"Ito pong bus stop na ito ay magbibigay ng convenience sa ating mga mananakay para ‘yung mga bumababa at sumasakay sa lugar na ito ay hindi na masyadong lalakad ng malayo," ayon kay Secretary Bautista. 
 
Nagpasalamat naman si DOTr Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Mark Steven Pastor sa suporta sa naturang proyekto at ipinangakong patuloy na gagawa ng mga hakbang upang lalong mapa-improve at mapaganda ang EDSA busway system.

TRAMO BUSYWAY STATION



"Nais din namin bigyang diin na si Secretary Bautista ay patuloy na nagbibigay sa amin ng direktiba na ayusin at pagandahin ang ating EDSA Busway. Kung kaya't nitong huling anim na buwan simula ng termino ng aming Secretary ito na po ang pang-apat na additional bus stop natin sa busway," ayon kay Usec. Pastor.
 
Ayon pa kay Usec. Pastor, sa pagtutulungan ng DOTr, LTFRB, I-ACT, MMDA at DPWH ay umabot na sa 17 ang mga bus stop ng EDSA Busway system at nakapagbibigay serbisyo sa mahigit 300,000 na mga pasahero araw-araw.
 
"The MMDA assured our full support. Rest assured that we remain a strong and dynamic partners to serve our people better especially the commuting public. We pledge to extend our time, effort and resources for the better service to our people today and tomorrow," ang ibinahagi naman ni Metropolitan Manila Development Authority General Manager Procopio Lipana. 
 
Samantala, ibinahagi naman ni Secretary Bautista na simula ika-1 ng Enero 2023 ng alas singko ng umaga ay may bayad na ang EDSA Busway Carousel.  
 
#DOTrPH #RoadSectorWorks #EDSABusway #TramoStation

Comments