Pera o Kahon: Rotski Bautista niregaluhan ng 1 Million ang Nanay

May paliwanag sa mga bashers ang binata na nag-post ng video kung saan pinapili niye ang kanyang ina kung pera o kahon na lingid sa kaalamn ng kanyang ina ay may laman na kaserola at P1 million.

Inaakusahan ngayon si Rotzki na isang scammer at sangkot sa droga ayon sa mga nag-co-comment sa kanyang Facebook account. Ngunit rayon kay Rotski biktima lang din siya ng investeert scammer hinggil sa bitcoin.




Yung mga nayayabangan po sa ginawa ko ito lng po masasabi ko..Yung mga kalokohan at mga kagaguhan nga madalas proud at di tayo nahihiyang ipost yun pabang bagay na nakita mong meron kng napasaya??Proud akong napangiti ko nanay ko at hindi lang ito tungkol sa pera.Matanda na sila buong buhay nila ginugol nila mapalaki lang tayo kelan paba natin sila plano pangitiin??pag nasa parihabang kahon na??Yung kahit anung pilit natin pero di na talaga sila ngingiti?kanya kanyang paraan lang yan kung pano natin sila mapapasaya..instead na magalit kayo o mayabangan bakit di nyo nalang isipin kung pano nyo sila masuklian kahit hindi lang sa pamamagitan ng pera..bakit ko binigyan nanay ko ng ganun??galing kami sa hirap hanggang ngayon naglalako at nagtitinda padin sya ng mga frozen foods araw araw sya laman ng kalsada siguro naman pwede ko naman iparanas sa kanila yung buhay na di pa nila nararanasan at isa pa hindi nyo din alam ang pinag daanan kong hirap at pagod maibigay lng yun sa kanila..kaya please lang minsan pag aralan nyo rin maging masaya para sa iba...🙂
"Francis Galang nag umpisa ako ng bata ako as a kalakal boy nangangalakal ako ng bakal at plastic bago pumasok nung elemntary kaya natuto akong mag pahalaga sa bawat bagay na nakikita ko.pumapasok ako sa school na nagtitinda ng kung ano nung high school para may savings ako bukod sa pambaon,nung pumasok ako ng college nag trabaho ako sa jollibee as a counter then natuto akong mamili ng mga maliliit na accesories sa divisororia na syang tinitindi ko naman sa school,that time pag may malaking libreng oras naglalakad ako simula sta rosa to calamba para mag lako naman ng mga plate cover ng motor kahit naka uniform.nasanay ako ng puro pag titinda mula sa gamit sa divisoria at baclaran.accesories damit,short,tsinelas,wallet,kurtina anything na pwede kong ibenta..nag umpisa ako sa puhunang 500php until nangarap akong magkaron ng isang bisikleta na pang service hanggang sa natupad ko naman na nabili ko worth 400php then unti unti pinaganda ko at may nagkaintirest na bilihin sa halagang 1500 at dun ako nag ka idea na bumili ulit at ibenta hanggang sa nagpaukit ulit na nbebenta ko at nangarap naman ako ng isang motor..kagaya ng bisikleta pinaganda ko din at may nagka interes hangang sa gnawa ko ding hanap buhay ang pag buy and sell ng motor napansin ko na mayron na kong kapital kaya nagtayo ako ng maliit na motor shop hanggang sa napalago ko at nangarap naman ako ng isang lumang sasakyan.kagaya din ng sa bike at motor may mga nagkakaintires din sa sasakyan ko kaya ginwa ko ding hanap buhay ang mga lumang sasakyan.nag fifixer din ako sa mga gustong magparehistro ng sasakyan..sinabayan ko sa pagbili ng kahit anung gamit na hindi ko kailangan pero pwede kong pagkakitaan..basta lahat ng legal na pwede kong pagkakitaan.hanggang sa nag explore pa ko ng iba pang hanap buhay puro pag titinda.marami pa kong hanap buhay na hindi ko na isinama sa kwento.naging taga deliver,utusan,taga pintura ng bahay operator ng makina..basta sa dami di ko na maalala ang iba.halos patayin ko sarili ko sa pag hahanap buhay simula ng pag ka bata ko dahil pangarap kong tumigil na at my age of 35 dahil ayokong kung kelan matanda na ko tyaka ko papahirapan ang sarili ko sa pag hahanap buhay.

Paano ko nakaipon???
Simple lang kung ano ang lifestyle ko noon hindi ko binago.hindi ako marunong gumimik,hindi ako umiinom,wala akong passport,hindi ako mahilig mag mall,divisoria lahat ng damit na sinusuot ko never ako bumili ng bnew na cp.instead bumili ng mamahaling cp bumibili nalang ako ng gintong alahas dahil hindi bumababa ang value ng ginto.sanay ako sa simpleng pagkain..
In short never ako namuhay sa buhay na marangya.

And thats my humble beginning😊

Nakuha ng comment mo yung attention ko kaya nag effort ako mag kwento😂

Marc Ian Enteng ikaw na magkwento ng iba medyo napagod ako mag kwento😂😂"




Comments