Witness Actual Construction of LRT-1 CAVITE EXTENSION Project

SA WAKAS! SIMULA NA ngayon ng ACTUAL CONSTRUCTION ng LRT-1 CAVITE EXTENSION Project!

Dahil sa masigasig at buong pusong pagseserbisyo ng Department of Transportation (DOTr), sa pamumuno ni Secretary Arthur Tugade, katuwang ang Light Rail Transit Authority (LRTA) at Light Rail Manila Corporation (LRMC), handa na ang lahat ng salik ng LRT-1 Cavite Extension Project. Mula sa on-track delivery schedule ng 120 LRVs, ang kontrata para sa Baclaran Depot expansion at Zapote Depot Construction, hanggang sa certification mula sa independent consultant na “free and clear” ang mahigit 90% ng Right of Way para sa Package 01 ng proyekto — plantsado na! SA WAKAS, masisimulan na ang proyektong maghahatid ng maginhawang biyahe sa ating mga kababayan sa southern Metro Manila. Pagsapit ng 4th Quarter ng taong 2021, magiging partially operable na ang limang istasyon ng LRT-1 Cavite Extension. SA WAKAS, abot-kamay na ng mga Pilipino ang mas maginhawa at mas kumportableng pamumuhay na pangako ng administrasyong Duterte.

Comments